Tuesday, August 17, 2010

WALA NA BA SILANG KARAPATAN?

Ni Paul L. Rapsing
  





Mini, mini, maynimo, ang panahon ngayon ay nakakalito… Itong si JUAN ay di mo malaman kung sino, Ang maging JUANA ba ay gusto? O ang maging JUAN at JUANA ay pagsasamahin nito? “
            “Hay naku! Lumilipas nagbabago at nagkakapalit-palit ang mga anyo. Anyo? Oo tama ang basa mo. Isa lang ang tanung ko dito, same sexpartner may karapatan ba sa lipunang ito?”
            Sa kasalukuyan laganap na ang Gays at Lesbians sa ating lipunan.Ewan ko ba, Di naman sila nanganganak pero dumadami.
            Tanghali noon ako’y naglalakad nang may napansin akong dalawang lalaki na naglalambingan at sa kabilang dako naman ay dalawang babaeng naglalampungan. Bakit nga ba may ganun? Pwede kaya yun?
            Ayon sa ating Saligang Batas bawat isa sa atin ay may karapatang pumili, babae man o lalaki. Sa kabilang banda naisip ko na walang batas na nilabag ang mga taong nakita ko. Pero ang tanging masamang dulot nito ay marami ang naiimpluwensyahan lalo na ang mga kabataan sa halip na maging magandang modelo ang mga nakatatanda ay nababalahura ang kanilang imahe.
           
Marami na rin ang nagpatunay na dahil sa relasyong iyan marami ang nagkakaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng HIV at ang pinaka kilalang sexually transmitted disease (TULO) ngunit di rin natin  sila masisisi dahil ang nais lamang  nila ay lumigaya.

Bawat nilikha ay may karapatang pumili kung ano ang nais, maging babae, lalaki, third sex man o hindi, ang mahalaga’y alam ng bawat isa kung saan lulugar resulta ng bawat Gawain at manatiling walang naapakan sa kabila ng kaligayahan. Wala tayong karapatang humusga, Ang tanging paraan ay hayaan nating umunlad ang bawat isa at mamuhay ng maligaya sa mundong ginagalawan.

EUREKA! Hayaan natin maging Masaya!

 “Mini, mini, maynimo, ang panahon ngayon ay nakakalito… Itong si JUAN ay di mo malaman kung sino, Ang maging JUANA ba ay gusto? O ang maging JUAN at JUANA ay pagsasamahin nito? “
            “Hay naku! Lumilipas nagbabago at nagkakapalit-palit ang mga anyo. Anyo? Oo tama ang basa mo. “
 Same sex partner may karapatan sila sa  lipunang ito.

No comments:

Post a Comment