Tuesday, August 17, 2010

Trio Tagapayo

(Church, Government and Law)

Ni Maryjoy  T.  Duguran







          Ibat-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa “same sex marriage”. May mga sumasang-ayon,dahil para sa kanila ay lahat naman ng tao ay may pantay na karapatan at may karapatan din silang magmahal. Ngunit karamihan sa kanila ay hindi sumasang-ayon dito dahil imoral daw ang  mga ginagawa ng mga ito. Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon kaba o tutol kung gagawing legal ang same sex marriage dito sa Pilipinas?

          Hayagang tinututulan  ng simbahan ang same sex marriage. Alam naman natin na ang Pilipinas ay isang kristyanong bansa. Ayon sa simbahan, malaking kasalanan ang makipagrelasyon sa kapwa mo lalaki kung ikaw ay isa ring lalaki at ganun din naman kung ikaw ay isang babae hindi ka ring pwedeng makipagrelasyon sa kapwa mo babae. Nilalabag ng mga bakla at lesbian ang kagustuhan ng Diyos na si Adan ay para kay Eba at hindi si Adan ay para kay Adan o si Eva ay para kay Eba. Ang dipensa  naman ng mga tomboy at bakla, sila ay mga tao rin at nagmamahal din. Kalian pa ipinagbawal ng Diyos ang pagmamahal sa kapwa? At parang hindi raw kumpleto ang kanilang pagmamahalan hanggat hindi sila naikakasal. Ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto ng mga ito na maging legal ang same sex marriage sa ating bansa.

 Hanggang sa ngayon, hindi pa nagpapatupad ang gobyerno ng batas na magtatakda na gawing legal na ang same sex marriage. Hindi pa raw mulat ang mga mamamayan tungkol sa mga epekto kung gagawing legal ang bagay na ito at pinuprotektahan ng gobyerno ang kultura nating mga Pilipino na pagkakonserbatibo at ang mga relihiyosong tao dahil ikinukonsidera na rin natin ang pagiging maka-Diyos bilang isa sa mga kultura natin hanggang sa ngayon.
  
Kung ako ang tatanungin hindi ako sang-ayon sa same sex marriage sa dahilang kung magkakaroon man ng karapatan ang mga tomboy at bading na pakasalan ang kapwa babae o lalaki maaari pa itong makasira sa isang pamilya. Halimbawa, ang padre de pamilya o ang tatay na noong bandang huli lang napagtanto na hindi pala sya tunay na lalaki at imbes na maging padre de pamilya, gusto nyang maging ilaw ng tahanan. Napilitan lang syang pakasalan ang babae dahil sa di-sinasadyang pangyayari ay nabuntis nya ito at sa kung ano pang kadahilanan. In short, kung magkakaroon sila ng karapatang magpakasal sa kapwa nila lalake maiisipan nilang hiwalayan ang kanilang asawa at abandonahin ang kanilang pamilya at masisira ang bawat pamilyang may ganitong sitwasyon at kawawa ang pamilyang naiwan ng mga ito.  Kaya hindi ako sang-ayon sa gusto ng mga tomboy at bading na gawing legal ang same sex marriage. Ikaw? Ano sa palagay mo ang tama? ang sumang ayon o tumutol na gawing legal ang “same sex marriage”?

No comments:

Post a Comment