Tuesday, August 17, 2010

Sawsawero't Sawsawera

ni Arjelyn C. Santiago






        Hindi lingid sa kaalaman natin na marami nang magakarelasyong may parehong kasarian ang nagsasama. Pareho man ang kanilang kasarian ay ramdam nila ang pagmamahal na kumukumpleto sa kani-kanilang pagkatao. Ngunit kadalasan, iba ang iniisip ng mga taong nakapaligid sa kanila. Ano ang tinutukoy ko? Simple lamang DISKRIMINASYON mula sa mga taong walang ibang ginawa kung hindi ang pagtsismisan ang buhay ng may buhay. Ang mga halimbawang inyong mababasa ay ilan lamang sa mga patunay ng pag-uusig na ginagawa ng mga sawsawero’t sawsawera.
        
Para sa kaso ng mga bakla at lalaking magkarelasyon, ang karaniwang iisipin ng mga tao ay ganito, “mahal ni lalaki si bakla dahil ito ang nagpapakain, nagpapaaral, tumutustos sa lahat ng gastos at kung minsan pa nga’y suplayer ng load nito.” At panigurado, gwapo at macho si lalaki kaya hindi ito matanggihan ng bakla at game na game ito kahit mamahalin ang bibilhin. Go lang ng Go! Sigurado may mga lalaking ganoon lamang ang intensyon sa baklang kanilang kinakasama ngunit ang payo ko lamang, sana’y wag naman nilang lahatin. Mayroon pa din naming natitirang matitinong mga lalaki sa mundo.


        “Sayang naman! Ang gwapo sana ni bakla kung nagging lalaki siya, ang ganda ni girlalu kung hindi siya tomboy”,ani isang tsismosa. Ganyan ang karaniwang namumutawi sa bibig ng mga pakialamera. Ano ba naman ang pakialam ninyo? Katawan nyo ba iyon? Hindi namn di ba? Puso at isip nila iyon. Nagpapakatotoo lang sila sa sarili nila. Wala naman silang ginagawang masama o ilegal. Namumuhay at nagsasama lang naman sila ng masaya. Magreact kayo kung hindi na kanais-nais ang nakikita nyo sa kanila. Kung naaalibadbaran na kayo sa kanilang pagkilos at nagiging masamang ehemplo na sila sa mga kabataan, saka nyo sila punahin. Sa bandang huli desisyon nila iyon kaya anu man ang maging bunga sila ang may kagagawan noon.


        Isa siguro sa pinakamasakit sa parte ng mga magulang particular sa ama ang malamang ang anak nila ay isang bakla o tomboy. maaaring itakwil at palayasin ito sa kanilang bahay sa sandaling ito ay maglalahad ng kanilang pagkatao. Kung paglalahad pa lamang ay hindi na matanggap ng mga magulang, paano pa kaya kung ang kanilang pinakamamahal na anak ay magpakasal sa bakla o tomboy. Mga magulang, alam kong masyado pa akong bata upang magsalita ng ganito. Ngunit sana naman ay unawain natin ang ating mga anak. Kusa nila itong naramdaman. Hindi natin maaaring diktahan an gating nga anak kung sino ang mamahalin at pakakasalan ng mga ito. Unawain na lamang natin sila at tanggapin lalo na’t kaligayahan naman nila ang kapalit noon.

        Kung magpapakasal man ang isang bakla sa lalaki, tomboy sa kapwa babae, sana’y tanggapin na lamang natin sila. O kung hindi man mapigilan ang matatabil na dila, sarilihin natin ang mga komento at panlalait. Lagi nating tatandaan na iba man ang kanilang kasarian ay tao parin sila. May puso at marunong din masaktan. Karapatan din nilang gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa kanila basta’t wala silang tinatapakan. Isipin mo na lamang kung ikaw ang nasa sitwasyon nila at inaalipusta, ano kaya ang mararamdaman mo?

        Sana sa maikling pahayag na ito ay nabigyan ko ng katarungan ang mga magkarelasyong may parehong kasarian mula sa mapanghusgang mata at bibig ng mga sawsawero’t sawsawera. 

2 comments:

  1. naniniwala po ako na may matitinong lalaki sa mundo ... meron po akong classmate "crush ng bayan... anak sya ng kapitan ng lugar namin sa caloocan. nalaman nia na may gusto ako sa kanya tapos nilalayuan nia na koh. peo hindi dun nagtatapos kasi lagi ko po sya napapansin sa tuwing oras nang klase namin palihim siang tumitingin sa kin..parang lagi siyang nahihiya na ewan".. sinasabi rin un sakin ng klassmate koh!! hindi ko alam kung may gusto siang sbhin skin o may tintago sya.!! satingin niu po..!! may ibigsbhin un..

    ReplyDelete
  2. kaya sinunog ng panginoon ang sodom at gomora (ang lugar na ito ay tinatawag na dead sea sapagkat itoý sinumpa ng ating Panginoon)dahil sa pagtatslik ng mga lalaki sa lalaki at babae sa babae maski pati mga hayop. kayat alamin mo pa rin kung ano an tama. bibliya lamang ang nagsaabi ng katotohanan wala ng iba pa.

    ReplyDelete